Huwebes, Marso 6, 2014

SIMCARD

Maikling Kwento





NAWALANG na ng pag-asa si Sarah na maayos pa ang kanyang simcard kaya umiyak na lamang siya sa isang sulok at lahat ng pait na kanyang naranasan sa pangingibang bansa ay naalala niya.

Mahigit isang buwan pa lamang siyang nakauwi mula sa bansang Kuwait. Akala niya ay makakamit na niya ang tagumpay upang makatulong sa kanyang mga kapatid at sa kanyang ina. Sa edad na dalawampu't tatlo ay nagdesisyon siyang mangibang bansa.

Sa unang pamilya na kanyang pinaglinkuran ay nakaranas na siya ng subrang hirap at pagod sa trabaho dahil makatapos siyang maglinis sa bahay ng kanyang amo ay pinapahiram siya ng mother in law nito sa kanyang mga kaibigan, lahat ng 'yon ay kanyang tiniis hanggan isang araw.

"Pack all your thing, Sarah! You go home now in your country." sigaw sa kanya ng mother in law ng kanyang amo.

But why,madam?" tarantang tanong ni Sarah habang nilalagay sa kanyang bag ang kanyang mga gamit na pinagtatapun sa kanya nito.

Sa halip na saguting ng mother in law ng kanyang amo kung bakit siya nito papauwiin sa Pilipinas ay bigla na lamang siya pinagsasampal at sinabutan nito. Tumigil lamang ito ng inaawat ng amo ni Sarah sa pananakit sa kanya.

"Madam Modi, why your mother in law hurted me and why she send me to my country?" tanung niya sa kanyang amo na umiiyak din. Mabait ang kanyang amo sa kanya pero wala itong magawa para kampihan siya, sunod-sunoran lamang ito sa ina ng kanyang asawa.

"I'm sorry Sarah, because of the simcard that I asked to my driver to gived to you. She think that my driver is your boyfriend. You better go home to your country. Okay." sabay abot nito kay Sarah ng pera na nagkakahalaga ng 120 dinar. "Take and you keep. I like you. I know your a good person."

Sa halip na ihatid siya ng kapatid ng amo niyang lalaki ay pinababa siya nito malapit sa isang sikat na mall at inabutan ng 20 dinar at sinabihan na magtaxi na lamang papuntang airport. Takot na magtaxi si Sarah dahil na rin sa mga balita na kanyang naririnig sa mga kapwa Pilipina na kasamahan din niya sa trabaho kaya tinawagan niya ang agency.

Nang nasa accomodation na siya ng agency ay nakita niya ang mga kaawa-awan mukha ng kapwa Pilipina na alam niyang galing din sa pananakit ng kanilang mga amo.

"Sarah, akala ko matino ka. Isa ka rin palang malandi!" sabi ng may-ari ng agency na isa rin Pilipina na nakapag-asawa ng isang Kuwaiti.

"Madam, hindi po ako naglandi. Hindi po totoo 'yong nakarating sa 'nyo na balita."

"Lumandi ka na nga, napakasinungaling mo pa." pagduduro nito sa mukha ni Sarah hanggan sa sinaktan na siya nito. Pinagsabunutan, sinampal, hindi pa nakuntento ay pinaghalungkat nito ang mga gamit ni Sarah at pinagkukuha ang mga ibang alahas at pera na binigay ng amo niya.

Mahigit isang linggo na si Sarah sa accomodation ng agency at sising-sisi siya kung bakit pa niya tinawagan ang may-ari ng agency na akala niya ay isang maamong anghel na pwedeng makatulong sa kanilang mga Pilipina na nasa loob ng accomodation, 'yon pala ay isa rin malupit na nilalang.

Tinawag siya ng may-ari ng agency upang ipakilala siya nito sa bagong nyan magiging amo na isang matandang dalagang Kuwaiti, sophisticated at sa unang tingin pa lamang niya ay mabait.

Wala siyang naging problema sa kanyang trabaho sa bagong amo, mabait nga talaga ito at kahit saan lugar o bansa ay isinasama siya nito, at laging binibigay sa kanya ang mga gamit na hindi na nito gusto, mapaalahas o anu pa man.

Isang gabi nasa kusina siya at kumakain ay biglang pumasok ang pamanking ng kanyang amo.

"Oh Sarah, you here?" gulat na tanung nito kay Sarah dahil ang akala nila ay isinama si Sarah ng kanyang amo sa Lebanon.

"Yes Sir. You need something?" sagot ni Sarah rito.

"Yes, I want to drink orange juice."

"Okay sir, I will make for you." agad na kumuha si Sarah ng orange sa lalagyan at piniga ito dahil alam niyang ito ang iniinum nito at inuutus sa ibang katulong.

Matapos na inabut ni Sarah ang isang basong orange juice sa pamanking ng kanyang amo ay agad din ito umalis at ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakatitig sa kanya ang katulong ng pamanking ng kanyang amo na isang Sri. Lanka.

"Your so flirt!" sigaw ng asawa ng pamanking ng kanyang amo na bigla na lamang pumasok sa kanyang silid at pinagduduro siya.

"What?" gulat na tanung ni Sarah rito.

"Don't asked me! You stay here in your room." sigaw nito sa kanya at sabay agaw ng cellphone ni Sarah nasa kamay nito.

"You don't have a right to take my mobile. My Madam gived that to me and I'm not working with you." si Sarah na pilit binabawi ang kanyang cellphone.

Itinulak siya ng katulong nito at pinagtulongan siya ng mga ito na saktan. Tatlong araw din na ikinulong siya ng mga ito, hindi pinakain o ni tubig man lang.

Makalipas ang tatlong araw na pagkakulong sa loob ng kanyang kwarto ay pinag-impake siya ng mga gamit nito, lahat ng mamahalin gamit na bigay ng amo niya ay pinagkukuha ng katulong at asawa ng pamanking ng kanyang amo. Pinasakay siya ng mga ito sa kotse habang bitbit ang kanyang mga gamit, sa bawat pagtatanung niya kung saan siya dadalhin ay sinasaktan siya ng katulong ng pamanking ng kanyang amo.

Dinala siya sa disyerto at sinaktan uli bago siya iniwan ng mga ito. Gutom, sakit at takot ang naramdam ni Sarah sa panahon 'yon. Dali-dali niyang dinukot sa bulsa ng kanyang panty ang 82'10 na cellphone na matagal na niyang tinatago at hindi pinapakita sa kahit sinu kung sakaling darating ang panahon na gaya nito, ininsert niya ang extra simcard niya at may tinawagan.

Habang hinihintay niya ang taong tinawagan ay nagkukubli siya sa isang malaking bato dahil sa takot na may makakita sa kanya at lalo lamang siyang mapapahamak.

Biglang nagring ang kanyang cellphone

"Hello Sarah, I'm here now. The white car, where are you?" sabi ng nasa kabilang linya, ito ang tinawagan ni Sarah para hingan ng tulong.

Isang lalaki, Egyptian at businessman na minsan nakilala niya sa mall noong isinama siya ng kanyang amo. Nakilala niya ito noong ibinalik niya ang credit card na nahulog mula sa bulsa nito, hinabol kagad ito ni Sarah at ibinalik rito at mula noon ay naging kaibigan na niya at nakakatext o nakakausap lamang niya sa cellphone.

Nang matanaw niya ang kotseng puti nasa tabi ng daan ay dali-daling tumakbo si Sarah bitbit ang kanyang mga gamit at sumakay siya dito.

"What happen? Thanks Allah, you gived me the correct direction to go here." bungad na tanong nito sa kanya.

Ikinuwento ni Sarah ang lahat lahat dito pero hindi niya masabi kung anung dahilan bakit nagawa sa kanya 'yon dahil hindi niya rin alam kung anu ba talaga ang dahilan.

Dinala siya nito sa condo nito. "You can't stay long here because I need to go home to my country nexweek. I have a work and stay there more than a year maybe."

"Help me to go home in my country Eushep." pakiusap ni Sarah rito habang umiiyak.

Makalipas ng dalawang araw nito sa condo ni Eushep ay inabut sa kanya ang plane ticket.

"Thank you so much Eushep." pasasalamat ni Sarah rito.

"I like you Sarah. I promise to you, I will help you even you there in your country. Okay.."

Tango lamang ang sinagot ni Sarah rito at hindi na siya nakatutol ng hagkan siya ng lalaking tumulong sa kanya hanggan sa may nangyari sa kanila.

Kinabukas ay hinatid na siya ni Eushep sa International Airport at bago sila naghiwalay ng landas ay may inabut ito sa kanya na isang maliit na kahon.

"You promise to me that I'm only a man in your life and be my wife."

"Yes Eushep, I promise." sagot lamang si Sarah rito at sabay tanggap niya sa isang maliliit na kahon na naglalaman ng isang simpleng gold na singsing at ng pera na nagkakahalaga ng 200 dinar.

HALOS mawalan na ng pag-asa si Sarah dahil sa simcard niya na nasira, walang ibang makokontakan sa kanya si Eushep maliban lamang sa number ng kanyang simcard na kanyang naibigay, maging ang kanyang saktong address ay nakalimutang niyang ibigay.

Makalipas ang ilang buwan na pagkasira ng kanyang simcard ay muling nabubuhayan ng pag-asa si Sarah, naisip niyang may mga dahilan ang nasa ITAAS kung bakit nanyari lahat ng mga 'yong sa kanya. Muli siyang nagpursige na makahanap ng trabaho upang ipagpatuloy niya ang pagtulong sa kanyang pamilya.

Huwag gawing dahilan ang masamang karanasan sa buhay para mawalan ng pag-asa. Lagi nating tandaan na lahat ay bahagi lamang ito ng mga pagsubok sa buhay ng isang nilalang sa mundong ito at ang lahat ay may kasukdulan o katapusan kaya’t wag mawalan ng pag-asa dahil “habang may buhay, may pag-asa.”

- ang kwentong ito ay hango sa isang tao na aking nakilala sa aking paglakbay upang makipagsapalaran sa ibang bansa..




sa panulat ni:

Eleony Che

1 komento: