Eleony Che's Passion
Tula, Maikling Kwento, at iba pa
Linggo, Pebrero 15, 2015
Lover's Sanctuary: Short Story Writing Contest Entry #7: Kapirasong L...
Lover's Sanctuary: Short Story Writing Contest Entry #7: Kapirasong L...: Teaser: Sadyang mapaglaro ang buhay at tanging tadhana lamang ang magtatakda kung paano magwawakas ito. Tulad na lamang ni Luigi, ma...
Lover's Sanctuary: SHORT STORY WRITING CONTEST ENTRIES
Lover's Sanctuary: SHORT STORY WRITING CONTEST ENTRIES: Entries as of February 13, 2015.: Entry #1: Ours Is Almost A Fairy Tale by Anne Villahermosa Entry #2: Isang Linggong Pag-...
Martes, Setyembre 9, 2014
HOUSEMAID "Kapwa Pinay"
HOUSEMAID
"Kapwa Pinay"
-Eleony Che
Short Story
SI KRISTA ay isang OFW sa bansang Kuala Lumpur, mahigit anim na taon na siyang naninilbihan sa kanyang mga amo. Wala siyang naging problema sa mga ito, tuwing taon ay pinapabakasyon siya ng mga amo niya sa kanila upang makasama ang kanyang pamilya sa loob ng labing limang araw na bakasyon. Sa tuwing nagre-reniew siya ng working visa sa mga amo niya ay siya naman pagtaas nito ng kanyang sahod na dinadagdag ng isang daan ringgit.
Minsan kapag nababagot si Krista o nagsasawa na sa araw na araw na gawain ay nangangarap siyang makapagtrabaho sa labas ng bahay, kaya tuwing day off niya ay naghahanap siya ng trabaho na puwede magbigay sa kanya ng working permit hanggang sa may nakikila siyang kapwa pinay na isa raw agent at mga trabahong binibigay nito ay hindi bilang kasambahay kundi puro mga trabaho sa labas gaya ng sa mga salon, waitress, saleslady at iba pa.
"Oh, Krista.. Kumusta na? Hindi ka pa ba nakapagdesisyon? Sige ka, baka may makakuha na ng bakanteng trabaho na ino-offer ko sa'yo." bungad na sabi nito pagkakita sa kanya sa Macdonalds na malapit sa Kotaraya Mall, kung saan maraming mga Filipina ang tumatambay doon.
"Eh, natatakot ako sa planung mag- run away at isa pa mabubuti naman ang mga amo ko. Tinaasan naman nila ako ng sahod kasi kare-reniew ko lang." alanganin niyang sagot dito. Kakilala lamang niya rito noon nakaraan linggo pagkatapos niyang magsimba.
"Ikaw ang bahala, basta kapag gusto mo, text mo lang ako at ipapasundo kita kung saan mo gusto na sunduin kita." sagot ng Filipina na nagpakilala sa kanya na agent.
"Sige Shel." tanging nasagot na lamang niya rito pero ang totoo ay gustong-gusto na niyang sabihin na tatanggapin na niya ang trabahong sinasabi nito sa isang hotel bilang chambermaid.
Nang gabing iyong ay hindi makatulog si Krista sa kakaisip kung lilisanin na ba niya ang pamilyang mahigit anim na taon niyang pinagsilbihan at naging mabuti naman ang pakitungo sa kanya. "Bahala na." sambit niya sa sarili at pinilit na matulog.
Kinaumagahan ay iritang-irita si Krista sa mga kalat na nakiita niya, "Grr! Nakakasawa na ang maglinis araw-araw!"
Pagkatapos ng kanyang mga gawain ay agad na nagtext si Krista sa Pinay agent nakilala niya, nagpapasundo siya sa LRT station na malapit sa lugar ng kanyang pinagtatrabahuan at agad niyang inimpake ang kanyang mga gamit, nag-iwan ng sulat para sa kanyang among babae at idikit niya sa pintuan ng fridge.
Pagkarating sa LRT station ay agad na may lumapit sa kanyang ibang lahi na lalaki "Are you Krista? I'm Ali, Shell's husband."
"Ha? Where's Shell? I'm sorry but I don't want to go with you. She replied me that she will wait me here." sagot niya rito.
Tinawagan ng lalaki ang agent na tinutukoy niya na asawa umano ng lalaking nasa harapan niya. "Hello Krista. Sumama ka na kay Ali dahil idederesto ka na niya sa hotel kung saan magtatrabaho ka. Kailangan mo na magpa-intreview para sa makalawa ay mag-uumpisa ka na sa work. Hinding-hindi ka magsisisi dahil nasa 2,200 ringgit ang sahod mo roon at free accomodation pa." saad nito nasa kabilang linya pagkaabot sa kanya ng lalaki ng mobile nito sa kanya.
"Okay.. Nagulat lang kasi ako dahil ang usapan ay ikaw ang susundo sa akin." natatawa pa niyang sagot.
Sumama siya sa lalaking nagpakilalang asawa ng agent na wala pa'ng isang buwan niyang nakilala at dalawang beses pa lamang niyang nakita. Kumpiyansa siya sa sarili na nasa mabuting kamay siya dahil kapwa Pinay ang tutulong sa kanya.
Dinala siya nito sa isang lumang hotel na malapit sa Ampang park, "Come with me. We go there in one room so that you can take a rest first."
"What? But why here. I thought it's my interview that's why we go here." nagtatakang tanong niya rito habang mahigpit niya hawak ang isang stoller bag niya at ang pack bag na tanging dala lamang niya. Lahat ng mga mahahalagang kagamitan napundar at perang naipon niya ay nasa pack bag niya.
"I will call you if the manager of this hotel will ask to interview you." wika nito na tila nagiging alerto ang paningin sa paligid.
Aatras na sana si Krista subalit agad siyang nakatanggap ng sms mula kay Shell ang kapwa niyang Pinay na nagpakilalang agent sa kanya. Pagkabasa ng text nito na nangungumusta at magpalipas muna siya ng isang gabi sa hotel na kinaroroonan niya ay biglang kumalma ang kanyang loob na kanina lamang ay sinakluban ng takot.
Pagkapasok niya sa silid ng hotel kung saan siya mag-oovernight ay agad na tinakpan ang bibig niya ng isang bagay na nakawala ng kanyang malay.
Pagkalipas ng ilang minutong nawalang siya ng malay ay nararamdaman niya may mabigat na nilalang ang pumangibabaw sa kanya, gusto niyang manlaban at itulak ito subalit ay wala siyang lakas para gawin iyon at tanging mga ungol na pagpupumiglas lamang ang lumalabas sa bibig niya.
Isa.. Dalawa.. Tatlong lalaki ang naramdaman niyan papalit-palit na gumagamit sa kanya, kahit mahina siya ay pinipilit niyang manlaban subalit tila walang naririnig ang mga lalaking gumagamit sa kanya at pinagpasa-pasahan na pinagsawaan ang kanyang katawan.
Mga luha na lamang ang lumabas sa kanyang mga mata na punong-puno ng pagsisisi, "Diyos ko, tulungan Niyo po ako. Patawad sa mga nagawa kong kasalanan na hindi ako nakuntento sa anung meron ako." panalangin na tanging naisip lamang niya.
Makalipas ang ilang oras ay nagsawa rin ang mga lalaking sa pagpasa-pasa nito ng mahinang katawan niya. Sa kabila ng panghihina at mga sakit sa buong katawan lalo na sa gitnang bahagi ng kanyang katawan ay nagawa niya tumayo, pagapang sa kanyang mga gamit at kinapa ang kanyang mobile. Ma-swerte naman na hindi nakuha ang mobile niya dahil lahat ng naipon niyang mga alahas at pera ay kinuha sa kanya ng lalaking nagpakilalang asawa ng agent na kapwa niyang Pinay.
Hindi na nag-isip si Krista kung sinu ang hingan ng tulong, "Help me Madam, Im here.." sabi niya sa among babae na tinawagan niya at sinasabi ang kanyang kinaroroonan.
Tinulungan siya ng kanyang mga amo sa kabilang ng kanyang pag-run away dito, hiyang-hiya siya sa ginawa niya rito at naaawa siya sa sinapit niya. Nakipagtulongan siya sa mga awtoridad na mahuli ang Pilipinang kanyang nakilala.
"Don't worry, Krista. We will help you about what happen to you. You're my family for more than six years." nakangiting sabi ng amo niyang lalaki samantalang iyak ng iyak ang kanyang among babae sa sinapit niya.
"I'm sorry, because of my dream to work outside of the house. Like this..." wika niya na hindi na natuloy ang sasabihin dahil subrang pagsisisi ang nagawa niyang desisyon na nagtiwala sa kapwa niyang Pilipina.
-ito ay isang kathang isip lamang. Ang pangalan at mga pangyayaring nabanggit ko rito ay isang likhang-isip lamang.
Sa panahon ngayon ay mahirap na ang magtiwala ng basta-basta kahit na kapwa Filipino pa, maging sa mga kamag-anak o mga kaibigan. Sana bago tayo magdesisyon ay pag-isipan muna ng maraming beses upang hindi ikakapahamak ng sarili. Walang masamang maghangad na mas maganda pa'ng buhay pero sana ay maghangad sa tamang paraan upang hindi mo pagsisihan sa bandang huli. Huwag basta-basta magpasya kapag tayo ay naiirita o aminit ang ating ulo dahil isa ito sa magtutulak sa atin sa kapamahakan.
-Hindi ako makatulog kaya kung ano-ano na lamang ang pumapasok na kwento sa aking isipan. Magandang gabi po sa lahat.
28 May at 21:50

Huwebes, Marso 6, 2014
BOX
Maikling Kwento
Kinuha ni Lea ang isang kahon na kasing laki ng karton ng sapatos sa kanyang kabinet, at iniisa-isa niyang tinignan ang mg lamang nito.
Ganito siya lagi sa tuwing nagpapahinga pagkatapos ng ilang gawain niya sa bahay.
"Ate…ate…" tawag sa kanya ng kanyang kapatid. Ito ang pinakabunso sa kanilang apat. Siya ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.
"Oh..Bakit?" dali-dali niyang tinago ang kahon, saka lumapit sa kanyang kapatid.
"Bakit? Eh ate hindi ka pala nakapagluto, sinasahuran kita para tulungan ako dito sa bahay at alagaan ang anak ko pero nandiyan ka sa loob ng kwarto mo sa ganitong oras!" sigaw ng kanyan kapatid na nagagalit.
"Eh..nagpapahinga lang ako saglit at isa pa natutulog naman ang bata. Katatapos ko lang naglaba." paliwanag naman ni Lea rito.
"Lampas alas singko na ng hapun, mamaya dadating na ang asawa ko. Wala pa pagkain sa mesa." nayayamot na bigkas ng kanyang nakakabatang kapatid.
"Magluluto na ako.." sagot na lamang niya dito. "Anu ba yan mga dala-dala mo Yvonne, parang ang daming mga laruan na pinamili mo?" pansi ni Lea sa mga plastic na dala nito.
"Para sa anak ko ito, ate"
"Yvonne, huwag mo masyadong iniispoiled ang anak mo, magta-talong taon pa lamang yan at baka lumaki eh masanay." payo ni Lea sa kanyang kapatid.
"Puwede ba ate, anung alam mo sa pagiging nanay. Maliit pa lang ang anak mo ay iniwan mo na ito. Kaya ngayon hindi ka kilala ng nag-iisang anak mo!" sabay talikod nito sa kanya.
MAHIGIT dalawang buwan na siyang nagtatrabahu bilang kasambahay sa kanyang sariling kapatid. At kung tratuhin siya nito lagi ay parang hindi siya ang nakakatandang kapatid nito.
Napaluha na lamang si Lea na bumalik sa kanyang kwarto at muli niya kinuha ang kahon na tinago niya kanina at niyakap ito.
"Ito lamang ang tangi kong kayamanan na natira sa akin." sambit niya sa kanyang sarili habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, at bumalik tanaw sa kanya ang nakaraan.
"Hello Jake, kumusta na kayo ng anak natin?" masiglang tanung ni Lea sa kanyang asawa sa kabilang linya.
Nasa Dubai siya sa panahon 'yon, at magtatatlong taon nang nagtatrabahu bilang domestic helper.
"Ito, laging nagtatanung kung kelan ka daw uuwi." sagot naman ng asawa niya.
"Malapit na, Mahal.. Isang taon na lang."
"Aba Lea, maawa ka naman sa bata at sa akin. Umuwi ka na, tama na ang tatlong taon!"
"Jake naman, isang taon na lang at isa pa magtatapos na ang kolihiyo si Yvonne"
"Bakit kasi tinutulungan mo pa na makatapos ang kapatid mo, may asawa na nga at buntis pa!" galit na sagot ng asawa ni Lea.
"Mahal, ayaw ko siyang matulad sa amin ng mga kapatid niya na hindi nakapagtapos, at lalong ayaw ko na matulad siya sa aming na mangibang bansa. Alam mo naman a ng hirap ng buhay abroad, baka hindi namin kakayanin ng kanyang mga kaptid na pati ang bunso namin eh mangingibang bansa rin. Mabuti na iyon makapagtapos siya at makakuha ng maayos na trabahu diyan" paliwanag naman ni Lea sa asawa na si Jake.
"Bahala ka na nga! Balang araw baka 'yan pa ang mag-aalipin sa inyong magkapatid ang bunso nyo dahil kung alam niya ang hirap niyo diyan eh sana hindi kagad nag-asawa na pinapaaral nyo.!"
"Mabait ang kapatid ko at alam ko na hindi niya iyon gagawain. Nangako siya na magsisikap siya makapagtapos kahit na may-asawa na siya at buntis."
"Ewan ko lang, katulad din yan ng kuya mo na babaliwalain ka rin sa oras na ikaw ang may kailangan."
"May problema ka yata ha, kaya mainit ang ulo ng mahal ko ah?" iwas at lambing ni Lea rito.
"Eh..ang mga alaga natin na baboy dito, sunod-sunod na nagkasakit.. Dalawa na ang namatay, at isa pa kaarawan na ni Jeko sa makalawa. Hindi pa ako nakaksingil ng mga pinautang ko na mga karne." mahinahon sabi ni Jake sa kanya.
"Ganun ba..eh talagang ganyan ang pagnenegosyo, may uunlad at may malulugi. Hayaan mo at magpapadala ako ng pera para sa anak natin. May itinago talaga ako rito para talaga kay Jeko. Asan pala ang bata? Pausap naman sa kanya, namimiss ko na siya ng subra."
"Nasa kabilang bahay at nakikipaglaro doon sa mga kaibigan nya. Hayaan mo, sasabihin ko na na'mimiss mo siya."
"Sige Mahal, huwag mo pababayaan ang bata ah, at bigyan mo siya ng maayos ng party para naman kahit wala ako diyan eh maramdaman naman niya na mahal na mahal ko siya."
"Okay.."
"I love y…" hindi pa nakatapos si Lea sa sasabihin sa asawa ay nawala na ito s akabilang linya.
NATAPOS na ni Lea ang isang taon na pinangako niya sa kanyang mag'ama. Nakapagtapos na rin sa kolihiyo ang kanyang bunso kapatid at balita niya ay may maayos na trabahu na ito.
Apat na taon amng binuo niya sa bansang Dubai. Apat na taon siyang nagtiis ng pagod, minsan nalilipasan pa na gutom, at pangungulila sa kanyang pamilya. At apat na taon na hindi man lang niya nasilayang ang kagandahan ng bansang kanyang pinaglingkuran.
Napakasaya ni Lea, sa wakas muli na niyang masisilayang ang kanyang sariling bansa, at higit sa lahat ay makakapiling na niya ang kanyang mag-ama. Hindi matatawarang ang kaligayahan kanyang nararamdan ng dumapo na ang eroplanong kanyang sinakyan sa lupa ng Pilipinas.
Walang sinu man nakakaalam na uuwi na siya dahil ni isa ay wala siyang pinagsabihan. Gusto niyang supresahin ang kanyang mga-ama. Marami siyang dala na pasalubong para sa kanyang pamilya, lalo na para sa kanyang nag-iisang anak na si Jeko.
Pagpasok niya sa kanilang bakuran, biglang sinaklubang ng kaba ang kanyang dibdib dahilsa nga tawanan na kanyang naririnig na nagmumula sa loob ng kanyang bahay.
Halakhak ng kanyang asawa at anak, pero bakit may isa pang tinig na kanyang naririnig. May isa pang boses na tila ang saya say nilang nakikipagtawanan.
Dali-daling binuksan ni Lea ang pinto ng kanyang bahay na hindi niya naiintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pinaghalong pananabik at takot ang kanyang nararamdaman.
Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanyang paningin ay tila isang larawan ng masayang pamilya. Ang kanyang asawa na nakaupo sa may sala habang may nakakandung na babae na tila kinikiliti nito, samantalang ang kanyang anak na naman ay nakasakay sa likod ng kanyang ama.
Ang masayang nararamdamang ni Lea ay biglang pinagtambulang ng hapdi at sakit na hindi niya maintindihan dahil sa nakikita niya sa kanyang harapan na nasa mismong pamamahay niya.
"Le-Lea..dumating ka na pala." si Jake na biglang napatayo at namutla nang makita si Lea.
"Sinu po siya papa?" tanung ng kanyang anak sa ama nito habang sa kanya nakatingin, na mas napakasakit sa kanyang dibdib na hindi siya nakikila ng kanyang anak.
"Jeko, ako ito. Ang iyong mama mo." naluluhang nasabi niya sa kanyang anak na lumapit sa babae na kasama ng kanyang mag-ama, nakita niyang yumakap si Jeko sa babae at tila natatakot sa kanya ang sarili niyang anak.
"Jake, anu ibig sabihin nito?" baling niya sa kanyang asawa.
"Lea.. Hindi ka kilala ni Jeko at kasalanan mo rin lahat ng ito at huwag mo akong sisihin kung naghanap man ako ng iba. Apat na taon kang wala na hindi namin nakasama.
"Pero.. Bakit pati si Jeko? Bakit mo hinayaan na hindi niya ako maalala o makilala man lang. Hinayaan mo na diyan sa kabit mo siya mapalapit!" galit na sigaw ni Lea rito.
"Pagod na ako Lea sa kapapaliwanag sa kanya, at isa pa masaya na kami kaya hindi ka na namin kailangan."
"Hindi na niyo ako na kailangan! Ganun na lang 'yon? Apat na taon nga ako nawala pero lahat ng ito ay para sa inyo! Para sa kinabukas ng atin pamilya tapos ganyan ang sasabihin mo na hindi niyo na ako kailangan!" naluluhang bigkas ni Lea sa harapan ng kanyang asawa, anak at sa babaeng kasama nila.
"Hindi naman pera ang kailangan namin, kundi ikaw mismo pero apat na taon mo kaming tiniis!"
"Akala ko ba naiintindihan mo ang lahat, Jake? Napakakitid pala ng utak mo pati anak ko hinayaan mo na burahin ako sa kanyang isip! Nilason mo ang pag-iisip niya para kalimutan ako at 'yan babae mo ang pinakilala mong ina sa anak ko! Napakawalang hiya mo naman! Ako ang nagtaguyod sa pamilyang ito, ganito pa ang gagawin mo sa akin!" bulyaw ni Lea kay Jake.
"Hindi ko nilason kahit kelan man ang pag-iisip ni Jeko! Tanungin mo ang sarili mo kung bakit nabura ka niya sa kanyang isip! Sa apat na taon kang wala, tatlong taon pa lamang ng nisanin mo ang pamamahay na ito." madiin na panisisi ni Jake kay Lea.
"Jeko, anak halika dito. Marami akong dalang pasalubong para sa iyo." tawag niya sa kanyang anak na lalo pang nagsumiksik na yuamakap sa babae na itinuring nitong ina.
"Hindi kita kilala.. Umalis ka na.. ito ang mama ko at hindi ikaw." ang kanyang pitong taon anak na si Jeko.
"Umalis ka na Lea.. huwag mo na kami guluhin pa, nakikiusap ako. Masaya na kami na wala ka." si Jake na hinarang si Lea na lalapitan sana ang anak.
"Pamamahay ko ito, Jake. Pagod at pawis ang pinuhunan ko dito para lang maipundar. Kaya wala kang karapatan na paalisin ako sa pinaghirapan ko." matalim na titig ni Lea kay Jake.
"O, di sige.. Kung kami ang paalisin mo rito kahit kelan man hinding-hindi mo na makikita si Jeko." pagmamatigas ni Jake.
"Napakawalang hiya mo talaga,Jake! Wala kang karapatang na kunin at ariin ang mga pinaghirapan ko at lalo nang wala kang karapatan na ilayo sa akin ang anak ko!"
"Ikaw! kung kaya mong tumira tayong lahat dito. Bahala ka! Pero kapag ipagpilitan mong umalis kami dito, mapipilitan akong isama si Jeko! total hindi ka naman kilala ng anak mo!"
MAHIGIT isang linggo din na pinagtiisan ni Lea na tumira sa sarili niyang pamamahay kasama ang kabit nang kanyang asawa. Lahat ay ginawa na niya upang mapalapit sa kanyang anak na si Jeko, sa bawat paglapit niya sa bata ay siyang pag-iwas at tila natatakot sa kanya ang kanyang sariling anak. Sa tuwing nakikitang niyang malapit ang kanyang anak sa kabit ng kanyang asawa ay parang bilyon-bilyong karayom ay nakatusok sa kanyang dibdib.
Nakita niya kung paanong pag-aaruga ng babae sa kanyang mag-ama na dapay ay siyanng gumagawa, at nakita niyang gaanu kasaya ang kanyang asawa at kanyang anak.
Hindi na muli siyang nagtanka pang lumapit sa kanyang anak. Iniyak na lamang niya ang lahat ng sakit na kanyang nadarama.
Nang wala ang mga ito, nilisan na uli ang kanilang tahanan, iniwan niya ang lahat lahat na kanyang napundar sa kanyang mag-ama. Dala lamang niya ay ilang pirasong damit, at ang isang box na kasilang laki ng karton ng sapatos.
HABANG yakap-yakap ni Lea ang box ay humahagulgol siya ng iyak, at hindi niya pansin ang kanyang paninikip na paghinga dahil sa kanyang ubo na ilang buwa na rin niyang iniinda.
Bakit pati ang kanyang sariling kapatid na kahit kelan ay hindi niya pinabayaan, ay kung tratuhin siya ay parang ibang tao. Siya ang nagtaguyod ng pag-aaral nito kaya ngayon ay may maayos na trabahu. Anu ba ang nagawa niya mali sa para ngayon ay nag-iisa na lamang siya at a ng ta nging kayamanan niya na lamang ay ang isang box na ang mga lamang ay mahalaga para sa kanya.
"Ate.." tawag ni Yvonne sa kanya na humihina na sa kanyang pandinig.
Ilang ulit na tinawag ni Yvonne ang kanyang ate dahil may mga bisita ito na susundo na siguradong ikakatuwa ng kanyang ate. Gayun na lamang ang pagkabigla ni Yvonne nang mabungaran ang kanyang nakakatandang kapatid na bulugta sa sahig at may mga dugong lumabas mula sa bunganga nito.
"Kuyaaaa Jake, si Ate!" tawag ni Yvonne sa kanyang bayaw na siyang bisita pala ni Lea.
Kasama ang kanilang anak na si Jeko, susunduin ni Jake si Lea at ihingi ng kapatawaran ang kanyang mga kasalanan. Naipaliwanag na rin ng mabuti ni Jake kay Jeko ang tungkol kay Lea, kaya ganun na lamang ang pananabik ng kanilang anak na makita at mayakap ang kanyang ina si Lea.
Dinala ni Jake si Lea sa malapit na ospital, habang si Jeko naman at Yvonne ay tinignan isa isa ang lamang ng box na iniingat-ingatan ni Lea. Ang mga lamang nito ay mga larawan ng nilang magpamilya, larawan ni Jeko nun maliit pa lamang ito, larawan nilang magkakapatid, mga munting bagay na regalo sa kanya ng kanyang asawa na si Jake, at mga resibo na kanyang naipadala nun nasa Dubai pa siya.
Walang tigil sa pag-iiyak si Yvonne, sising-sisi siya sa kanyang mga inaasal sa kanyang ate na siyang tanging kanyang kakampi, at hinding- hindi siya nito iniwan.
Apat na taon na nagpakahirap sa ibang bansa si Lea upang maitaguyod at mabigyan ng magandang bukas ang kanyang pamilya. Apat na taon niya ininda ang mga hapdi na kanyang nararamdaman sa kanyang mga balikat at sa likod nito, hindi niya pinansin ang pag-ubo-ubo nito na siyang dahilan na nagkaroon siya ng tuberculosis..
WAKAS
- Iiwan ko sa'nyong kaisipan kung anung magandang aral ang inyong mapupulot sa kwentong ito..
Salamat,
ELEONY CHE
SIMCARD
Maikling Kwento
NAWALANG na ng pag-asa si Sarah na maayos pa ang kanyang simcard kaya umiyak na lamang siya sa isang sulok at lahat ng pait na kanyang naranasan sa pangingibang bansa ay naalala niya.
Mahigit isang buwan pa lamang siyang nakauwi mula sa bansang Kuwait. Akala niya ay makakamit na niya ang tagumpay upang makatulong sa kanyang mga kapatid at sa kanyang ina. Sa edad na dalawampu't tatlo ay nagdesisyon siyang mangibang bansa.
Sa unang pamilya na kanyang pinaglinkuran ay nakaranas na siya ng subrang hirap at pagod sa trabaho dahil makatapos siyang maglinis sa bahay ng kanyang amo ay pinapahiram siya ng mother in law nito sa kanyang mga kaibigan, lahat ng 'yon ay kanyang tiniis hanggan isang araw.
"Pack all your thing, Sarah! You go home now in your country." sigaw sa kanya ng mother in law ng kanyang amo.
But why,madam?" tarantang tanong ni Sarah habang nilalagay sa kanyang bag ang kanyang mga gamit na pinagtatapun sa kanya nito.
Sa halip na saguting ng mother in law ng kanyang amo kung bakit siya nito papauwiin sa Pilipinas ay bigla na lamang siya pinagsasampal at sinabutan nito. Tumigil lamang ito ng inaawat ng amo ni Sarah sa pananakit sa kanya.
"Madam Modi, why your mother in law hurted me and why she send me to my country?" tanung niya sa kanyang amo na umiiyak din. Mabait ang kanyang amo sa kanya pero wala itong magawa para kampihan siya, sunod-sunoran lamang ito sa ina ng kanyang asawa.
"I'm sorry Sarah, because of the simcard that I asked to my driver to gived to you. She think that my driver is your boyfriend. You better go home to your country. Okay." sabay abot nito kay Sarah ng pera na nagkakahalaga ng 120 dinar. "Take and you keep. I like you. I know your a good person."
Sa halip na ihatid siya ng kapatid ng amo niyang lalaki ay pinababa siya nito malapit sa isang sikat na mall at inabutan ng 20 dinar at sinabihan na magtaxi na lamang papuntang airport. Takot na magtaxi si Sarah dahil na rin sa mga balita na kanyang naririnig sa mga kapwa Pilipina na kasamahan din niya sa trabaho kaya tinawagan niya ang agency.
Nang nasa accomodation na siya ng agency ay nakita niya ang mga kaawa-awan mukha ng kapwa Pilipina na alam niyang galing din sa pananakit ng kanilang mga amo.
"Sarah, akala ko matino ka. Isa ka rin palang malandi!" sabi ng may-ari ng agency na isa rin Pilipina na nakapag-asawa ng isang Kuwaiti.
"Madam, hindi po ako naglandi. Hindi po totoo 'yong nakarating sa 'nyo na balita."
"Lumandi ka na nga, napakasinungaling mo pa." pagduduro nito sa mukha ni Sarah hanggan sa sinaktan na siya nito. Pinagsabunutan, sinampal, hindi pa nakuntento ay pinaghalungkat nito ang mga gamit ni Sarah at pinagkukuha ang mga ibang alahas at pera na binigay ng amo niya.
Mahigit isang linggo na si Sarah sa accomodation ng agency at sising-sisi siya kung bakit pa niya tinawagan ang may-ari ng agency na akala niya ay isang maamong anghel na pwedeng makatulong sa kanilang mga Pilipina na nasa loob ng accomodation, 'yon pala ay isa rin malupit na nilalang.
Tinawag siya ng may-ari ng agency upang ipakilala siya nito sa bagong nyan magiging amo na isang matandang dalagang Kuwaiti, sophisticated at sa unang tingin pa lamang niya ay mabait.
Wala siyang naging problema sa kanyang trabaho sa bagong amo, mabait nga talaga ito at kahit saan lugar o bansa ay isinasama siya nito, at laging binibigay sa kanya ang mga gamit na hindi na nito gusto, mapaalahas o anu pa man.
Isang gabi nasa kusina siya at kumakain ay biglang pumasok ang pamanking ng kanyang amo.
"Oh Sarah, you here?" gulat na tanung nito kay Sarah dahil ang akala nila ay isinama si Sarah ng kanyang amo sa Lebanon.
"Yes Sir. You need something?" sagot ni Sarah rito.
"Yes, I want to drink orange juice."
"Okay sir, I will make for you." agad na kumuha si Sarah ng orange sa lalagyan at piniga ito dahil alam niyang ito ang iniinum nito at inuutus sa ibang katulong.
Matapos na inabut ni Sarah ang isang basong orange juice sa pamanking ng kanyang amo ay agad din ito umalis at ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakatitig sa kanya ang katulong ng pamanking ng kanyang amo na isang Sri. Lanka.
"Your so flirt!" sigaw ng asawa ng pamanking ng kanyang amo na bigla na lamang pumasok sa kanyang silid at pinagduduro siya.
"What?" gulat na tanung ni Sarah rito.
"Don't asked me! You stay here in your room." sigaw nito sa kanya at sabay agaw ng cellphone ni Sarah nasa kamay nito.
"You don't have a right to take my mobile. My Madam gived that to me and I'm not working with you." si Sarah na pilit binabawi ang kanyang cellphone.
Itinulak siya ng katulong nito at pinagtulongan siya ng mga ito na saktan. Tatlong araw din na ikinulong siya ng mga ito, hindi pinakain o ni tubig man lang.
Makalipas ang tatlong araw na pagkakulong sa loob ng kanyang kwarto ay pinag-impake siya ng mga gamit nito, lahat ng mamahalin gamit na bigay ng amo niya ay pinagkukuha ng katulong at asawa ng pamanking ng kanyang amo. Pinasakay siya ng mga ito sa kotse habang bitbit ang kanyang mga gamit, sa bawat pagtatanung niya kung saan siya dadalhin ay sinasaktan siya ng katulong ng pamanking ng kanyang amo.
Dinala siya sa disyerto at sinaktan uli bago siya iniwan ng mga ito. Gutom, sakit at takot ang naramdam ni Sarah sa panahon 'yon. Dali-dali niyang dinukot sa bulsa ng kanyang panty ang 82'10 na cellphone na matagal na niyang tinatago at hindi pinapakita sa kahit sinu kung sakaling darating ang panahon na gaya nito, ininsert niya ang extra simcard niya at may tinawagan.
Habang hinihintay niya ang taong tinawagan ay nagkukubli siya sa isang malaking bato dahil sa takot na may makakita sa kanya at lalo lamang siyang mapapahamak.
Biglang nagring ang kanyang cellphone
"Hello Sarah, I'm here now. The white car, where are you?" sabi ng nasa kabilang linya, ito ang tinawagan ni Sarah para hingan ng tulong.
Isang lalaki, Egyptian at businessman na minsan nakilala niya sa mall noong isinama siya ng kanyang amo. Nakilala niya ito noong ibinalik niya ang credit card na nahulog mula sa bulsa nito, hinabol kagad ito ni Sarah at ibinalik rito at mula noon ay naging kaibigan na niya at nakakatext o nakakausap lamang niya sa cellphone.
Nang matanaw niya ang kotseng puti nasa tabi ng daan ay dali-daling tumakbo si Sarah bitbit ang kanyang mga gamit at sumakay siya dito.
"What happen? Thanks Allah, you gived me the correct direction to go here." bungad na tanong nito sa kanya.
Ikinuwento ni Sarah ang lahat lahat dito pero hindi niya masabi kung anung dahilan bakit nagawa sa kanya 'yon dahil hindi niya rin alam kung anu ba talaga ang dahilan.
Dinala siya nito sa condo nito. "You can't stay long here because I need to go home to my country nexweek. I have a work and stay there more than a year maybe."
"Help me to go home in my country Eushep." pakiusap ni Sarah rito habang umiiyak.
Makalipas ng dalawang araw nito sa condo ni Eushep ay inabut sa kanya ang plane ticket.
"Thank you so much Eushep." pasasalamat ni Sarah rito.
"I like you Sarah. I promise to you, I will help you even you there in your country. Okay.."
Tango lamang ang sinagot ni Sarah rito at hindi na siya nakatutol ng hagkan siya ng lalaking tumulong sa kanya hanggan sa may nangyari sa kanila.
Kinabukas ay hinatid na siya ni Eushep sa International Airport at bago sila naghiwalay ng landas ay may inabut ito sa kanya na isang maliit na kahon.
"You promise to me that I'm only a man in your life and be my wife."
"Yes Eushep, I promise." sagot lamang si Sarah rito at sabay tanggap niya sa isang maliliit na kahon na naglalaman ng isang simpleng gold na singsing at ng pera na nagkakahalaga ng 200 dinar.
HALOS mawalan na ng pag-asa si Sarah dahil sa simcard niya na nasira, walang ibang makokontakan sa kanya si Eushep maliban lamang sa number ng kanyang simcard na kanyang naibigay, maging ang kanyang saktong address ay nakalimutang niyang ibigay.
Makalipas ang ilang buwan na pagkasira ng kanyang simcard ay muling nabubuhayan ng pag-asa si Sarah, naisip niyang may mga dahilan ang nasa ITAAS kung bakit nanyari lahat ng mga 'yong sa kanya. Muli siyang nagpursige na makahanap ng trabaho upang ipagpatuloy niya ang pagtulong sa kanyang pamilya.
Huwag gawing dahilan ang masamang karanasan sa buhay para mawalan ng pag-asa. Lagi nating tandaan na lahat ay bahagi lamang ito ng mga pagsubok sa buhay ng isang nilalang sa mundong ito at ang lahat ay may kasukdulan o katapusan kaya’t wag mawalan ng pag-asa dahil “habang may buhay, may pag-asa.”
- ang kwentong ito ay hango sa isang tao na aking nakilala sa aking paglakbay upang makipagsapalaran sa ibang bansa..
sa panulat ni:
Eleony Che
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)